Bilang ng mga stranded passengers dahil sa bagyong Nona dumarami

By Ricky Brozas December 14, 2015 - 08:04 PM

matnog-port
Inquirer file photo

Kabuuang 6,795 na mga pasahero ang stranded pa rin sa ibat-ibang mga pantalan sa bansa na apektado ng bagyong Nona.

Iyan ay batay sa pinakahuling tala ng Philippine Coast guard kaninang alas-kuwatro ng hapon.

Aabot naman sa 75 mga barko ang nakahimpil ngayon sa mga pantalan mula sa Albay, Masbate, Manila, Cebu, Tagbilaran, Batangas, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Southern Quezon, Northern Quezon, Romblon at Ormoc.

Habang aabot naman sa 466 na mga rolling Cargoes at 17 motor banca ang Hindi rin pinayagan na makabiyahe bunsod ng bagyong Nona.

Nabatid na Karamihan sa mga istranded na pasahero ay sa Metro Manila na aabot sa 2,266; sa Batangas na aabot sa 1,125; Oriental Mindoro 1,772; at Sorsogon na aabot sa 630.

Inaasahan na dadami pa ang nasabing bilang dahil tuluy-tuloy pa rin ang pag-alis ng mga bus sa Integrated Bus Stations sa Cubao Quezon City na byaheng Bicol at Visayas Region na isinasakay sa mga Ro-Ro.

Bagama’t sarado ang karamihan sa mga pantalan sa Masbate at Sorsogon area at hindi naman pinipigilan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang byahe ng mga bus na lalong nagpapadagdag sa bilang ng mga stranded passengers.

TAGS: Bicol, Nona, Passengers, Visayas Region, Bicol, Nona, Passengers, Visayas Region

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.