Pagkamatay ng suspek sa Quezon City, iniimbestigahan ng PNP

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) bilang isolated case ang pagkamatay ng suspek sa kustodiya ng mga pulis sa Quezon City.

Ang nasawing suspek na si Carl Joseph Bañanola ang responsable sa pagpatay sa mag-asawang senior citizen sa Novaliches, Quezon City noong araw ng Linggo, May 26.

Sa isang press conference, sinabi ni P-N-P spokesman, Col. Bernard Banac na hindi ito sumasalamin sa paghawak ng mga pulis sa mga suspek.

Bilang bahagi aniya ng tamang procedure, nagsasagawa na ng imbestigasyon sa lahat ng pulis na sangkot sa pagkamatay ni Bañanola.

Isasailalim din aniya ang mga armas nito sa ballistic examination.

Samantala, sinabi naman ni National Capital Region Police Office chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar na handa si Lt. Col. Rossel Cejas, commander ng Novaliches Police Station, na mapasama sa imbestigasyon.

Si Cejas ang nakabaril sa suspek matapos umanong agawin nito ang armas ng isang pulis sa loob ng police mobile.

Read more...