22 kaso ng cyberbullying, naitala ng PNP

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng dalawampu’t dalawang kaso ng cyberbullying simula taong 2017 hanggang March 2019.

Sa datos ng PNP, siyam ang naitalang biktima ng cyberbullying noong 2017, labing-isa noong 2018 at dalawa hanggang buwan ng Marso ngayong taon.

Karamihan pa sa mga biktima ay menor de edad.

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesman, Col. Bernard Banac, karamihan sa mga insidente nito ay naganap sa social media.

Hinikayat naman ni Bana ang mga magulang ng mga biktima ng pambubully na i-report sa pamunuan ng pinapasukang eskwelahan at sa pulisya.

Mahalaga aniya ito para makapagsagawa ng imbestigasyon sa kaso.

Read more...