Pagsubasta sa P704.8M na Marcos jewelry, inaprubahan na ni Pangulong Duterte
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng public auction sa jewelry collection ni dating first lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.
Kinumpirma mismo ni Presidential spokesman Salvador Panelo ang pag-apruba ng pangulo sa panukala ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na ipasubasta ang jewelry collection.
Ang jewelry collection ay nagkakahalaga ng P704.8 milyon.
Aniya, sinabi ng Punong Ehekutibo na nais niyang makinabang dito ang taumbayan.
Hindi naman aniya tiyak kung kailan maglalabas si Duterte ang kautusan sa pormal na pagbibigay ng go signal sa public auction ng mga alahas.
Ang nasabing jewelry collection ay bahagi ng mahigit P1 bilyong halaga ng asset na nakumpiska sa pamilya Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.