MTRCB nagpatawag ng pulong kaugnay sa rap song na “Amatz”

By Clarize Austria May 30, 2019 - 04:27 PM

File photo

Sinusuportahan ng lahat ng partidong sangkot sa usapin ng kantang ‘Amatz’ ang kampanya ng gobyerno laban sa droga ayon sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sa ginawang dayaloyo kaninang umaga, nag-usap ang mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mga executives ng ABS-CBN Corporation, at Universal Records Philippines kung papaano reresolbahin ang isyu sa nasabing kanta.

Magkakaroon ng ikalawang pag-uusap hinggil dito sa June 3 kung inaasahang darating si Shanti Dope na siyang umawit ng rap song na Amatz at ang kanyang manager.

Nagpasalamat naman ang MTRCB sa kooperasyon ng lahat ng dumalo sa pagpupulong.

Magugunitang sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na may masamang mensahe ang kantang “Amatz” na tumutukoy sa epekto ng iligal na droga sa isipan ng isang gumagamit nito.

TAGS: aaron aquino, Amatz, MTRCB, PDEA, Shanti Dope, aaron aquino, Amatz, MTRCB, PDEA, Shanti Dope

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.