Dagdag na buwis sa mga alak tiyak na ayon sa DOF

By Den Macaranas May 30, 2019 - 03:21 PM

Inquirer file photo

Makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent bill ang panukalang dagdag buwis sa sigarilyo ay inihirit naman ngayon ng Department of Finance (DOF) na isama na rin dito ang presyo ng alak.

Sa inilabas na pahayag ng DOF, kanilang sinabi na malaki ang maitutulong ng dagdag na buwis sa sin products para pondohan ang Universal Health Care (UHC) law.

Sa ngayon ay umusad na sa deliberasyon sa Senate Bill No. 2233 sa pangunguna ng Senate ways and means committee.

Bago matapos ang sesyon ng 17th Congress sa June 7, sinabi ni Finance Usec. Karl Chua na sila ay umaasa sa mabilis na pag-amyenda ng mga senador at kongresista sa nasabing batas.

“Isang option sa plenary or sa bicam isama nila as amendment pwede naman po ‘yan. Ginawa na po nila ‘yan sa tax reform,” ayon pa kay Chua.

Sa kasalukuyan ay mayroon ring dalawang bersyon ng alcohol excise tax ang pending sa Kamara.

Kabilang dito ang House Bill No. 8618, na pinagtibay ng lower chamber noong December 2018, na naglalayong taasan ang ad valorem tax sa net retail price depender sa  “proof” ng isang partikular na alcoholic drinks mula sa kasalukuyang 22% at specific tax rate na P30 kada litro mula sa kasalukuyang P23.40 per liter.

Laman ng panukala na ang specific tax rate ay tataas ng P5 kada taon hanggang sa maabot nito ang P45.

Nauna na ring sinabi ng DOF na kailangan ang dagdag na buwis para hindi kapusin ng P66 Billion ang pondo ng Universal Health Law sa taong 2020,

Sa kabuuan, ang UHC program ay nagkakahalaga ng P258 billion, pero sa kasalukuyan ay P195 Billion lamang ang naitalaga ditto sa pamamagitan ng national budget.

Kabilang sa mga pagmumulan ng pondo ng UHC ay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

TAGS: BUsiness, Department of Finance, Finance Usec. Karl Chua, hilippine Amusement and Gaming Corporation, House Bill No. 8618, Philippine Charity Sweepstakes Office, Universal Health Care, BUsiness, Department of Finance, Finance Usec. Karl Chua, hilippine Amusement and Gaming Corporation, House Bill No. 8618, Philippine Charity Sweepstakes Office, Universal Health Care

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.