K-pop star Goo Hara natagpuang walang malay sa kaniyang bahay

By Dona Dominguez-Cargullo May 30, 2019 - 12:28 PM

Humingi ng paumanhin sa kaniyang fans si K-pop star Goo Hara makaraang matagpuan siyang walang malay sa kaniyang bahay.

Bago makita na ‘unconscious’ ay nag-post pa ng salitang “Goodbye” sa kaniyang Instagram account ang K-pop star dahilan para mangampa ang kaniyang fans.

Kalaunan ay binuran ni Goo ang post.

Ayon sa Metropolitan Police Agency, natagpuang walang malay si Goo sa kaniyang bahay sa Gangnam District kaya agad siyang dinala sa ospital.

Pero ayon kay Goo, maayos na ang kaniyang kalagayan at unti-unti nang nakaka-recover.

Marami aniyang pangyayari nitong nagdaang mga araw pero hindi ito nagbanggit ng partikular na dahilan.

Simula noong Setyembre ay naging usap-usapan ang problema ni Goo sa kaniyang ex-boyfriend na si Choi Jong-bum.

Inaakusahan niya si Choi na namba-blackmail sa kaniya na ilalabas ang video ng kanilang pagtatalik.

Si Goo ay dating miyembro ng South Korean girl band na ‘Kara’.

TAGS: Goo Hara, Kara, Kpop, Goo Hara, Kara, Kpop

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.