Supreme Court nagpatupad ng reorganization sa division membership

May pagbabago sa division membership ng Korte Suprema.

Dahil sa pagiging ika-15 miyembro ng mga mahistrado ng Korte Suprema ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting kinailangang magkaroon ng re-organization sa tatlong SC division.

Sa ilalim ng ipinatupad na re-organization, ang ang first division ay bubuuin na ni Chief Justice Lucas P. Bersamin bilang chairman, at Associate Justice Mariano C. del Castillo bilang working chairman, habang pawang myembro sina Associate Justices Francis H. Jardeleza, Alexander G. Gesmundo, at Rosmari D. Carandang.

Ang second division naman ay bubuuin nina Senior Associate Justice Antonio T. Carpio bilang chairman, at pawang miyembro sina Associate Justices Estela M. Perlas Bernabe, Alfredo Benjamin S. Caguioa, Jose C. Reyes Jr., at Amy C. Lazaro Javier.

Ang bubuuo naman ng 3rd division ay sina Associate Justice Diosdado M. Peralta blang chairman, at miyembro sina Associate Justices Mario Victor F. Leonen, Andres B. Reyes Jr., Ramon Paul L. Hernando at Inting.

Ang tatlong dibisyon sa SC ay may hiwalay na sesyon tuwing Lunes at Miyerkules.

Habang ang en banc session ay ginagawa kada Martes.

Read more...