Nasa bansa na ang cutter head ng tunnel boring machine (TBM) na gagamitin para sa Metro Manila Subway Project.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, nakatakda nang simulan ang 28.3-kilometer tunnel na kauna-unahan sa bansa.
Aabot ng halos P357 billion ng halaga ng proyekto at ang unang tatlong istasyon nito ay inaasahang magiging operational na sa 2022.
Babagtasin nito ang mula Mindanao Avenue hanggang Tandang Sora at didiretso sa North Avenue.
MOST READ
LATEST STORIES