LOOK: Lapis na pwedeng itanim kapag naubos na, ibinebenta na sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo May 30, 2019 - 11:17 AM

Sa halip na itapon kapag paubos na, pwede nang itanim ang lapis para ito ay tumubo.

Sa Cebu, mabibili na sa merkado ang mga lapis na mayroong buto kaya imbes na itapon ay maari itong itanim kapag tapos nang gamitin ng estudyante.

Ang nasabing mga lapis ay produkto ng Eco Hub Cebu, sa pangunguna ni Mary Rose Arnejo, dating college instructor from sa Cebu Institute of Technology-University (CIT-U).

Ayon kay Arnejo, una niyang nakita ang plantable concept sa Sprout World na unang kumpanyang gumawa ng produkto.

Regular na lapis ang plantable pencils na nilagyan ng gelatine capsules na may seeds sa loob ng iba’t ibang halaman gaya ng mint, citronella, at chili pepper.

Maaring bilhin ang plantable pencils sa Eco Hub Cebu Facebook page sa halagang P20 bawat isa.

TAGS: eco friendly, eco hub cebu', environment, plantable pencils, eco friendly, eco hub cebu', environment, plantable pencils

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.