Handa na ang Philippine Coast Guard sa paparating na tag-ulan matapos ilunsad muli ang kanilang programa na Oplan Kahandaan.
Ayon kay Admiral Elson Hermogino, commandant ng Philippine Coast Guard, bumili sila ng mga gamit para sa rescue mission na nagkakahalaga ng P31 milyon.
Ito ay kinabibilangan ng 20 aluminum hull boat, 20 jetski, 20 7-meter rigid hull inflatable boat na may tig-2 makina at 60 multipurpose van.
Sabi ni Hermogino, mas epektibo at mas mabilis na rin sila pagdating sa pagresponde sa mga maapektuhan ng flash floods o mga pagbaha.
Dagadag pa niya, nagsagawa narin sila ng mga pagsasanay sa pagpapatakbo ng mga bagong mga kagamitan sa pangunguna ng special operations force ng coast guard.
Maliban dito, may inaasahan pang pagdating ng mga bagong barko o rescue vessel na magmumula sa France.