Pamunuan ng NBA may paalala sa rapper na si Drake sa pagiging Raptors superfan

By Dona Dominguez-Cargullo May 30, 2019 - 10:32 AM

IG Photo

Kontrobersyal ang pagiging hayag na fan ng rapper na si Drake sa koponan ng Toronto Raptors sa NBA.

At dahil bukas na ang Game 1 ng sagupaan sa pagitan ng Raptors at Golden State Warriors, may paalala ang pamunuan ng NBA kay Drake.

Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver mismong siya ang kumausap kay Drake at pinaalalahanan sa limitasyon nito.

Sinabi ni Silver na bagaman nakatutuwa ang paghahayag ni Drake ng kaniyang passion para sa Raptors, ay maaring magdulot ng problema ang kaniyang mga ginagawa at aksyon bilang superfan ng koponan.

May limitasyon aniya ang mga fan maging ang mga ambassador, at aplikable ito kay Drake bilang Raptors ambassador.

Sa Game 4 sa pagitan ng Raptors at Milwaukee Bucks pinuna ang paghawak ni Drake sa balikat ni Coach Nick Nurse.

Pinuna ito ng Bucks dahil ang fans ay hindi pwedeng pumasok sa court.

Ayon kay Silver naunawaan naman ni Drake ang kaniyang limitasyon at alam na nito kung hanggang saan lamang siya dapat lumugar.

TAGS: drake, fan, NBA, rapper, Raptors, drake, fan, NBA, rapper, Raptors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.