WATCH: Audition ng 22-anyos blind singer na may autism viral sa social media

By Jimmy Tamayo May 30, 2019 - 09:34 AM

IG Photo
Viral ngayon sa social media ang audition ng isang singer sa sikat na show na America’s Got Talent.

Napahanga ang mga judges sa pangunguna ni Simon Cowell nang mag-perform na ang 22-year old na si Kodi Lee.

Si Lee ay visually impaired at may autism pero sa kwento ng kanyang ina na si Tina, hindi matatawaran ang “ear for music” ng kanyang anak.

Aniya, mahilig talaga sa musika si Kodi at ito aniya ang nagpapasaya at nagsasalba sa buhay ng kanyang anak sa kabila ng kundisyon nito.

Bukod sa paghanga ay napaiyak din ang ibang mga judges na kinabibilangan nina Gabrielle Union, Julianne Hough at Howie Mandel maging ang mga manonood nang umawit na si Kodi.

Kinanta nito ang “A Song for you” ni Donny Hathaway kasabay ang pagtugtog din ng piano.

Sa kanyang komento, sinabi ni Cowell na kakaiba at hindi niya makakalimutan ang naging performance ni Kodi. “What just happened was extraordinary. I’m going to remember this moment for the rest of my life.”

Dahil dito, nabigyan si Kodi ng golden buzzer kung saan makaka-abante agad siya sa next round ng kumpetisyon.

Sa ngayon ang video ng audition ni Kodi ay mayroon nang higit 86-million views sa loob lamang ng isang araw.

TAGS: america's got talent, golden buzzer, Kodi Lee, music, america's got talent, golden buzzer, Kodi Lee, music

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.