Sinampahan ng reklamong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang isang supplier ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa hindi nabayarang buwis na aabot sa P334.50 million pesos mula 2010 hanggang 2013.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, ipinagharap nila ng reklamong paglabag sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code ang negosyanteng si Maria Cristina Ventura.
Si Ventura ang may-ari ng MEBB Enterprises at BEMV Transport Service na supplier ng mga office supplies, pagkain, janitorial at transportation service sa PNP at PDEA.
Bukod sa hindi pagbabayad ng tamang buwis, nabigo rin si Ventura na maghain ng Income Tax Return (ITR).
Dagdag pa ng ahensya, mali rin ang mga impormasyong idineklara ni Ventura sa kanyang Value-Added Tax returns./ Ricky Brozas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.