Emergency summit sa pagitan ng Prime Minister ng Qatar at mga opisyal ng Saudi Arabia ipinatawag sa Mecca

By Dona Dominguez-Cargullo May 30, 2019 - 07:58 AM

Dadalo ang prime minister ng Qatar sa isang summit sa Saudi Arabia para pag-usapan ang regional security.

Kinumpirma ng Foreign Ministry Office ng Qatar na sa pambihirang pagkakataon ay magtutungo sa Saudi Arabia si Prime Minister Sheikh Abdullah bin Nasser Al Thani.

Ito ay base sa imbitasyon ng Saudi King para sa isang summit ng Gulf Arab rulers at mas malawak na pagpupulong sa pagitan ng Arab leaders.

Gaganapin ang emergency summit sa Mecca City.

Magugunitang noong June 2017 tumindi ang tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Qatar dahil sa alegasyong sinusuportahan ng Doha ang terorismo.

TAGS: emergency summit, qatari prime minister, Sheikh Abdullah bin Nasser Al Thani, emergency summit, qatari prime minister, Sheikh Abdullah bin Nasser Al Thani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.