Lalaki kritikal ang kondisyon makaraang silaban ang sarili malapit sa White House

By Dona Dominguez-Cargullo May 30, 2019 - 08:02 AM

Kritikal ang kondisyon ngayon ng isang lalaki makaraang silaban ang sarili habang nasa parke na malapit sa White House.

Ayon sa US Secret Service, agad rumesponde ang mga tauhan ng National Park Service at United States Park Police para bigyan ng first aid ang lalaki.

Nangyari ang insidente alas 12:20 ng tanghali sa 15th at Constitution Avenue.

Wala pang isang milya ang layo ng lugar sa White House.

Sa mga kumalat na video, makikitang nagliliyab ang katawan ng lalaki na naglalakad pa sa parke.

Hindi naman nakikita ng mga otoridad na banta ito sa seguridad at sinabing ang kaniyang sarili lamang ang ninais na saktan ng lalaki.

TAGS: Ellipse park, man sets himself on fire, White House, Ellipse park, man sets himself on fire, White House

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.