Insurance claim para sa 10 nasawi sa naaksidenteng jeep sa Albay sinimulan nang ipamahagi ng LTFRB

By Dona Dominguez-Cargullo May 30, 2019 - 07:00 AM

Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng insurance claim para sa 10 nasawi sa malagim na aksidente sangkot ang pampasaherong jeep sa Albay noong May 21.

Ayon sa LTFRB, ang kanilang tanggapan sa Region V ang nanguna sa pamamahagi ng insurance.

Kabuuang P1 million ang nai-release nang halaga ng insurance, kung saan ang bawat pamilya ng lima sa mga biktima ay tumanggap na ng P200,000,

Ang nalalabing pamilya ng limang iba pang biktima ay nakatakda na ring tanggapin ang kanilang insurance at hinihintay lamang na mailibing ang mga nasawi.

Nasawi ang sampung katao matapos na mawalan ng preno ang jeep na minamaneho ni Jimmy Satioquia sa Barangay Maramba sa Legazpi City.

TAGS: accident, albat, insurance claim, ltfrb, accident, albat, insurance claim, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.