Huawei nanindigang walang ebidensya ang US na sila ay security threat
Naghain ng ‘motion for a summary judgment’ ang kumpanyang Huawei para hilingin sa mga korte US na pabilisin ang proseso para ibasura ang pagblacklist sa kanila ng gobyerno.
Magugunitang isinailalim ng US ang Huawei sa blacklist at trade ban dahil sa umano’y banta sa seguridad ng mga produkto nito at ginagawang pag-eespiya.
Iginigiit din ng US na pagmamay-ari ng Chinese government ang kumpanya.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Huawei top legal officer Song Liuping na walang kahit anong ebidensya ang US sa mga akusasyon nito na sila ay banta sa seguridad.
“The US government has provided no evidence to show that Huawei is a security threat. There is no gun, no smoke. Only speculation,” ani Song.
Iginiit pa ni Song na ang ipinatupad na trade ban ay makakaapekto sa maraming American companies at malalagay din sa alanganin ang libu-libong manggagawa.
“By preventing American companies from doing business with Huawei, the government will directly harm more than 1,200 US companies. This will affect tens of thousands of American jobs,” ani Song.
Bukod pa umano ito sa epekto ng desisyon ng US sa higit 3 bilyong Huawei consumers sa higit 170 bansa.
Samantala, isang pagdinig sa mosyong inihain ng Huawei ang itinakda sa September 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.