Metro Manila at mga kalapit lalawigan nakararanas na ng ulan dulot ng bagyong Nona.

By Den Macaranas December 14, 2015 - 04:44 PM

Nona2Ngayong tanghali ay naramdaman na ang pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan dulot ng bagyong Nona (International name: Melor).

Katamtamang buhos ang ulan ang naranasan sa halos ay kabuuan ng Metro Manila sa mga nakalipas na oras ganun din sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas at Nueva Ecija.

Lunes pa lamang ng umaga ay isina-ilalim na sa signal number 1 ang Metro Manila, Bulacan, Cavite at Rizal.

Unang nag-lanfall ang bagyong Nona sa Northern Samar kanilang alas-onse ng tanghali samantalang pasado alas-tres ng hapon naman ay naramdaman ang ikalawang landfall sa lalawigan ng Sorsogon.

Kapag hindi nagbago ang kanyang bilis at direksyon, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa araw ng Huwebes, December 17.

 

TAGS: Matro Manila, Nona, Typhoon, Matro Manila, Nona, Typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.