2 magkahiwalay na lindol naitala sa Eastern at Northern Samar

By Rhommel Balasbas May 30, 2019 - 03:47 AM

Naitala ang dalawang pagyanig sa Eastern at Northern Samar Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, unang tumama ang magnitude 3.4 lindol sa 11 kilometro Timog-Kanluran ng Taft, Eastern Samar alas-2:15.

May lalim itong 58 kilometro.

Naitala ang instrumental intensity I sa Borongan City, Eastern Samar.

Makalipas ang isang oras o eksakto alas-3:15 ng madaling araw, magnitude 3.4 na lindol din an tumama sa 111 kilometro Hilagang-Silangan ng Palapag, Northern Samar.

May lalim itong 35 kilometro.

Tectonic ang pinagmulan ng nasabing mga pagyanig.

Hindi naman nagdulot ang mga ito ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

 

 

TAGS: aftershocks, Borongan City, Easrtern Samar, Intensity I, lindol, magnitude 3.4, northern samar, Palapag, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, taft, tectinic, aftershocks, Borongan City, Easrtern Samar, Intensity I, lindol, magnitude 3.4, northern samar, Palapag, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, taft, tectinic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.