DepEd patuloy ang pagtanggap sa Balik-Eskwela concerns
Ilang araw bago ang pagsisimula ng Taong Panuruan 2019-2020, patuloy na nakatatanggap ang Department of Education (DepEd) ng mga tanong at reklamo tungkol sa pasukan.
Ayon sa datos mula sa DepEd, nakatanggap na ng 832 balik-eskwela concerns ang kanilang Public Assistance Command Center (PACC).
Sa bilang na ito ay 739 umano ang naresolba hanggang Miyerkules ng umaga.
Karamihan umano sa mga concerns ay tungkol sa Senior High School (SHS) Program, enrollment, school policy and operations, DepEd programs, examinations, resources at facilities at iba pang legal matters.
Ang PACC ay operational hanggang June 7 upang tugunan ang mga problema at hinaing sa muling pagbubukas ng klase.
Maaaring tumawag ang publiko sa mga sumusunod na hotlines:
636-1663
635-9817
638-7530
633-1942
638-8641
638-7529
634-0222
Pwede ring magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng social media accounts ng DepEd o hindi kaya ay tumungo sa central office ng kagawaran sa Pasig City.
Sa Lunes, nakatakdang bisitahin ni Education Secretary Leonor Briones ang ilang mga paaralan para tingnan ang sitwasyon sa muling pagbubukas ng klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.