Canadian trash naihanda na para sa re-exportation ngayong araw

By Rhommel Balasbas May 30, 2019 - 03:00 AM

Handa na ang lahat ng 69 containers ng basura mula Canada para sa gagawing re-exportation sa mga ito ngayong araw (May 30).

Ayon kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairperson and administrator Wilma Eisma, handa na ang lahat at umaasa silang ngayon na talaga ang araw ng pag-alis ng mga basura sa bansa.

Dinala sa Subic ang tone-toneladang basura para isailalim sa fumigation bago dalhin pabalik sa Canada.

Ayon sa SBMA, isang barkong tinatawag na MV Bavaria ang kukuha sa mga basura at nakatakda itong dumating mamayang alas-1:30 ng hapon at aalis na rin agad bandang alas-3:00 ng hapon.

Iginiit ni Eisma na napakahalaga ng pagbabalik ng mga basura sa Canada para sa Pilipinas dahil nagpapakita ito ng political will.

Munting nang malamatan ang diplomatic ties ng Pilipinas at Canada dahil sa mga basura.

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte ng giyera laban sa naturang bansa kung hindi nila kukunin ang kanilang mga basura.

Ilang opisyal na rin ng Pilipinas sa Canada ang ini-recall matapos hindi matupad ang May 15 deadline ng presidente.

TAGS: 69 containers, Basura, canada, fumigation, MV Bavaria, re-exportation, sbma, 69 containers, Basura, canada, fumigation, MV Bavaria, re-exportation, sbma

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.