Aiko Melendez itinanggi na break na sila ng BF Mayor

By Len Montaño May 30, 2019 - 02:52 AM

Aiko Melendez IG

Tinuldukan ng aktres na si Aiko Melendez ang isyu na hiwalay na sila ng boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun.

Ayon kay Aiko, “stronger together” pa rin sila ng kanyang kasintahan.

Bilang patunay ay ibinahagi ng aktres ang larawan ni ni Khonghun habang sila ay nasa La Vegas.

Nilagyan niya ito ng caption na sa gitna ng mga pasubok at hamon ay sila pa rin ng alkalde.

Una nang itinanggi ni Aiko ang tsismis na pinaalis siya ng boyfriend sa bahay nito sa Subic.

Katwiran ng aktres, tumira lang siya ng mahigit isang buwan sa bahay ni Khonghun para tulungan ito sa kampanya pero kailangan na niyang bumalik sa kanyang bahay kasama ang mga anak.

Aminado naman si Aiko na may maliliit silang mga away ng kasintahan, karamihan ay dahil sa selos.

Bago dito ay pinalagan ng aktres na kabit lamang siya ni Khonghun.

 

 

 

 

 

TAGS: Aiko Melendez, breakup, Jay Khonghun, Las Vegas, stronger together, Subic Mayor, Aiko Melendez, breakup, Jay Khonghun, Las Vegas, stronger together, Subic Mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.