Mag-ama patay sa sunog sa bahay nila sa La Union

File photo

Nasawi ang isang lalaki at pitong taong gulang na anak nito matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay Santa Rita East Aringay, La Union.

Kinilala ang namatay na si Jeffrey Estoril at ang anak nito.

Ayon sa lolang si Rosita Estirol, kasama ng namatay niyang apo ang dalawang pinsan nito nang magkasunog.

Nakalabas anya ang mga pinsan ng biktima pero hindi nakasunod ang kanyang apo.

Tinangka ng ama na iligtas ang anak pero maski ito ay hindi nakalabas sa nasunog na bahay.

Samantala, nadamay sa sunog ang dalawa pang bahay na tinitirahana ng anim na pamilya.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog.

 

 

 

 

 

Read more...