Pangulong Duterte nakapulong ang 3 sa mga naglalaban para sa House Speakership
Nakapulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlo sa mga mambabatas na nag-aagawan para sa House Speakership.
Ang pulong ay naganap sa Japan kung saan umaarangkada ang apat na araw na working visit ng pangulo.
Ang mga mambabatas na nakapulong ang punong ehekutibo ay sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, incoming Leyte Rep. Martin Romualdez at incoming Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at kinumpirma ito ni Senator elect Christopher Bong Go.
Nagpost pa ng mga lawaran si Go sa Facebook na makikita ang pangulo at ang tatlong mambabatas.
Sa isang text message, sinabi ni Go na sumentro ang pulong tungkol sa House Speakership at sinabi umano ng pangulo na ayaw niyang makialam sa isyu.
Iginiit ni Go na hindi mag-eendorso ang presidente dahil pare-parehong magagaling ang mga mambabatas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.