Tinio: ‘Vote buying’ para sa House Speakership garapalan na

By Len Montaño May 30, 2019 - 01:08 AM

Binatikos ng isang mambabatas ang umanoy lantarang pagpopondo ng isang business tycoon sa isang top contender sa House Speakership sa pamamagitan ng pagbibigay suhol o vote buying sa mga kongresista para makuha ang kanilang boto.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Partylist Rep Antonio Tinio, hindi na bago ang isyu na may mga malalaking negosyante ang nasa likod ng pagpopondo sa mga pulitiko, ang ganitong sistema ay totoo anya hindi lamang sa gapangan para sa House Speakership kundi maging sa Senado.

Pero ang iba anya ngayon ay ang umanoy garapalan na at wala nang pagkukubli na pagpapahayag ng suporta ng mga tycoons sa pamamagitan ng lantaran na vote buying na aabot sa ilang milyong piso.

Una nang kinumpirma ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang P1 milyon kada kongresista na umanoy lobby money para sa Speakership race sa 18th Congress.

Hindi pinangalanan ni Alvarez ang top contender na bumibili umano ng boto ng mga mambabatas pero lumutang naman ang pangalan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na kilalang malapit kay San Miguel Corp President Ramon Ang.

Dagdag pa ni Tinio, kung mananalo si Velasco sa tulong ni Ang ay nakakabahala dahil tiyak na mananaig umano ang interes ng tycoon sa mga polisiya sa halip na ang kapakanan ng mamamayan.

Inamin ni Tinio na may naririnig silang impormasyon ukol sa sinasabing suhulan sa Kamara pero iginiit nito na hindi siya imbitado sa sinasabing imbitasyon ni Velasco sa mga mambabatas na dumalo sa isang pulong kung saan magbibigay diumano ng P1 milyon.

 

TAGS: Alliance of Concerned Teachers Partylist, dating Speaker Pantaleon Alvarez, house speaker, lobby money, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, P1 milyon, Ramon Ang, Rep. Antonio Tinio, San Miguel, speakership race, vote buying, Alliance of Concerned Teachers Partylist, dating Speaker Pantaleon Alvarez, house speaker, lobby money, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, P1 milyon, Ramon Ang, Rep. Antonio Tinio, San Miguel, speakership race, vote buying

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.