MMDA ipinaubaya sa SC ang implementasyon ng provincial bus ban sa EDSA

By Angellic Jordan May 29, 2019 - 10:51 PM

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakadepende sa Korte Suprema ang implementasyon ng provincial bus ban sa Edsa.

Sa isang panayam, sinabi ni MMDA traffic head Bong Nebrija na depende ito sa ilalabas na kautusan ng SC kung itutuloy o hindi.

Matatandaang naghain ang ilang mambabatas ng hiwalay na petisyon para ipatigil ang implementasyon ng MMDA regulation no. 19-002.

Isinalarawan ito ni Albay Congressman Joey Salceda na “anti-poor” ang nasabing polisiya.

Sinabi naman ni Nebrija na handa ang ahensya na sumagot sa mga petisyon sa polisiya.

 

 

 

TAGS: Albay Rep. Joey Salceda, anti-poor, edsa, korte suprema, mmda, MMDA traffic head Bong Nebrija, Provincial bus ban, Supreme Court, Albay Rep. Joey Salceda, anti-poor, edsa, korte suprema, mmda, MMDA traffic head Bong Nebrija, Provincial bus ban, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.