Ilang kalsada sa Makati City isasara sa Biyernes para sa Flores de Mayo

Credit: Makati City LGU

Isasara ang ilang kalsada sa Makati City para sa prusisyon ng Flores de Mayo sa araw ng Biyernes, May 31.

Sa inilabas na abiso, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Makati na ipatutupad ang pagsasara ng ilang kalsada at traffic rerouting mula 1:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Magsisimula ang prusisyon sa Makati City Hall Quadrangle patungo sa Globe Circuit Event Ground sa pamamagitan ng Hormiga, Trabajo, Hippodrome at Ap. P. Reyes Streets.

Magsisimulang magtipon bandang 1:00 ng hapon habang ang programa naman ay itinakda 4:00 ng hapon.

Sa mga sasakyan sa N. Garcia Street mula sa Kalayaan Avenue, maaaring dumaan sa mga sumusunod:

– J. P. Rizal Avenue patungong Antipolo Street, kumanan sa S. Osmeña Street at kumaliwa sa E. Zobel Street o P. Burgos Street extension saka kumanan sa A. Mabini Street at kumaliwa sa J. P. Rizal Avenue papunta sa kanilang destinasyon

– J. P. Rizal Avenue patungong Antipolo Street, kumanan sa S. Osmeña Street saka kumanan sa P. Burgos Street Extension tapos ay kumaliwa sa J. P. Rizal Avenue papunta sa destinasyon sa Guadalupe-Edsa.

Magpapatupad din ng ‘stop and go’ traffic scheme sa A. P. Reyes Street para bigyang-daan ang prusisyon.

Magtatalaga ng mga traffic enforcer sa lugar at traffic cones para masigurong maaasistihan ang trapiko sa lugar.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng lungsod na babalik sa normal ang trapiko bandang 7:00 ng gabi.

 

 

 

Read more...