Presyo ng baboy sa bansa hindi tatataas ayon sa D.A

By Chona Yu May 29, 2019 - 06:30 PM

Inquirer file photo

Tiniyak ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng karneng baboy sa bansa.

Ito ay kahit na itinigil na ng Pilipinas ang pag-aangkat ng karneng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF) na tumama na sa labing anim na bansa.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Agriculture Usec. Ariel Cayanan na tiniyak ng hog raisers sa bansa na sapat ang suplay ng karneng baboy.

Wala ring nakikitang rason ang DA para tumaas ang presyo nito sa mga pamilihan.

Ayon kay Cayanan nakaalarma na ang African Swine Fever kung kaya naman nakaalerto na ang Pilipinas.

May nakalatag na aniyang bio security measures gaya ng paglalagay ng mga foot bath at X-ray sa mga entry point sa mga port, pagsasanay sa mga sniffing dog para maamoy kung may dalang karneng baboy ang mga papasok sa bansa at pagti-train na rin sa mga quarantine officers.

Tinigil na rin aniya ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pag-iisyu ng certification of product registration o CPR sa mga pork processed products gaya ng meatloaf, sauage, ham, at iba pa.

Kaya naman hinihikayat ngayon DA at FDA ang mga tindahan, supermarkets at iba pang mga stalls na nagbibenta ng mga processed pork products na magkusa nang tanggalin sa kanilang mga tindahan ang ganitong mga uri ng produkto.

Kabilang sa mga bansang nasa hotlist ng African swine fever ay ang Russia, hungary, Ukraine, south Africa, Czech Republic, moldova, Zambia, Poland, China, kasama ang Hongkong at Macau, Bulgaria, hungary, Belgium, Latvia,  Vietnam, Mongolia, at Cambodia.

TAGS: African Swine Fever, Agriculture Usec. Ariel Cayanan, BUsiness, Food and Drugs Administration, African Swine Fever, Agriculture Usec. Ariel Cayanan, BUsiness, Food and Drugs Administration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.