Suspek sa pagpatay sa mag-asawang senior citizen sa QC nahuli na

Nahuli na ng Philippine National Police ang suspek sa pagpatay ng mag-asawang senior citizen at nanakit sa kasambay nito sa Brgy. San Agustin, Novaliches, sa Quezon City.

Ayon kay QCDP Director BGen. Joselito Esquivel, ang suspek na si Carl Joseph Bañanola, 37 anyos, ay naaresto ng pulisya bandang alas syete kagabi sa kahabaan ng 4th Avenue, Doña Rita, Caloocan City.

Narekober sa suspek ang P16,000 piso na hinihinalang parte ng P38,000 na nawawala sa bahay ng mga biktima na sina Nicolas Austria, 86 anyos at Leonora Austria, 87 anyos, na nagpuang patay sa kanilang tahanan.

Kasalukuyan naman nasa Capitol Medical Center ang kasambahay na sinaktan ng suspek na nagtamo ng basag sa bungo at mga pasa sa katawan.

Sasampahan si Bananola ng kasong Robbery with Homicide and Frustrated Murder sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Natagpuan ng anak ng mga biktima ang bangkay ng kanyang magulang alas dos ng hapon noong May 26.

Read more...