Konsehal patay sa pamamaril sa Oriental Mindoro

By Angellic Jordan May 29, 2019 - 04:56 PM

Patay ang isang konsehal makaraang pagbabarilin sa Calapan, Oriental Mindoro araw ng Martes.

Ayon kay Mimaropa Police Regional Office information officer Socrates Faltado, minamaneho ng biktimang si Jairus Maravilla Del Mundo, 42-anyos, ang kaniyang tricycle nang huminto sa isang waiting shed para kausapin ang ilang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team.

Makaraan ang ilang minuto, biglang dumating ang suspek at binaril ang biktima gamit ang hindi pa alam na armas.

Nagtamo ng tama ng baril si Del Mundo sa ilang bahagi ng kaniyang katawan.

Sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Agad naman nakatakas ang responsable sa pamamaril.

Sa ngayon, nagkasa na ang Calapan City Police Station ng imbestigasyon para alamin kung sino ang responsable at ano ang motibo sa krimen.

TAGS: Calapan, Jairus Maravilla Del Mundo, Oriental Mindoro, shooting, Socrates Faltado, Calapan, Jairus Maravilla Del Mundo, Oriental Mindoro, shooting, Socrates Faltado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.