Duterte hinamon ng sampalan ni Roxas

By Den Macaranas December 14, 2015 - 03:22 PM

duterte-roxas
Inquirer file photo

Galit na hinamon ni dating Interior Sec. Mar Roxas si Davao City Mayor Rodrigo na magsampalan na lang sila sa kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo sa publiko.

Nauna nang sinabi ni Duterte na sasampalin niya si Roxas dahil sa pagsisinungaling nito sa maraming bagay tulad na lamang ng kanyang umano’y pekeng Business degree sa Wharton School of the University of Pennsylvania.

Sinabi ni Roxas na kung mapapatunayan ni Duterte na peke ang kanyang mga dokumento na siya’y nagtapos sa Wharton ay nakahanda siyang magpasampal dito kahit na siya pa mismo ang pumunta sa Davao City.

Pero kung mapapatunayan naman ni Roxas na totoo ang kanyang mga dokumento ay siya naman ang sasampal kay Duterte.

Paliwanag ni Roxas, “Ganito, magsampalan nalang kami. Kung hindi totoo ang Wharton degree ko, sampalin mo ako. Hindi ako iiwas or iilag. Pero kung totoo yung Wharton degree ko, sasampalin kita”.
Dagdag pa ng standard bearer ng Liberal Party, “Ang mahirap kay Mayor Digong Duterte, nasanay siya na one-man rule, nasanay siya na kung hindi niya nakukuha ang gusto niya (at) kung may nagsasabi sa kanya ng katotohanan ay mananampal nalang siya o pagbubuhatan nalang niya ng kamay”.

“Subukan natin, tingnan natin. Wala naman akong kilalang malaking tao na na sinampal niya, lahat maliliit, mga walang kalaban-laban”.  Pahayag ng dating kalihim.

TAGS: 2016, duterte, roxas, Wharton, 2016, duterte, roxas, Wharton

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.