Alvarez pinalagan ang vote-buying para sa posisyon ng House Speaker

By Ricky Brozas May 28, 2019 - 01:01 PM

Kinondena ni Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez ang nangyayaring diumano’y pagbili ng mga boto sa House of Representatives, habang patuloy na umiinit ang laban para sa pagiging Speaker ng Kamara.

Sa isang panayam, sinabi ni Alvarez na sa kasalukuyan, mahigit 100 kongresista na ang nakapirma sa isang kasulatang tanda nang pagsuporta, na pinirmahan ng isang mambabatas na tinanggap ang isa sa dalawang alok mula sa kampo ng dalawang kongresistang nagnanais na makuha ang kanilang mga boto bilang Speaker.

Ngunit kahit si Alvarez, na tumatakbo rin para sa nasabing posisyon, ay hindi nagbigay ng mga pangalan.

Ang kampo umano ni Rep. Martin Romualdez ay nag-alok ng P500,000 katumbas ng isang boto, samantalang P1 milyong piso naman ay kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na nakakuha na si Romualdez ng suporta ng 126 na mambabatas para sa House Speakership.

Binanggit ni Suarez na nakalikom sila ng lagda ng 126 na mambabatas na nagpahayag ng kanilang suporta para kay Romualdez, mula sa 150 botong kinakailangan sa mayorya.

Ayon kay Alvarez, ang ganitong sistema upang matukoy ang susunod na House Speaker ay nakapanlulumo.

“Nawawalan din ako ng gana dahil nga pagkaganyan, siyempre, obviously, mayroon talagang funder yan, diba dahil ang laking pera,” saad ni Alvarez na tumatakbo rin para sa pagka-speaker.

Kinondena rin ni Alvarez ang ginagamit na mga taktika at nanumpa na hindi siya hahantong sa parehong pamamaraan para lamang madagdagan ang kanyang tyansa na makuha ang posisyon.

“Such dubious methods as vote-buying would compromise the Speaker’s position,” sabi pa ni Alvarez.

TAGS: Alvarez, house of representative, House Speakership, Alvarez, house of representative, House Speakership

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.