DOH may paalala muli sa mga naninigarilyo

By Noel Talacay, Ricky Brozas May 29, 2019 - 11:51 AM

Nagpaalala ang Department of Health o DOH sa mga naninigarilyo.

Ayon sa Kagawaran ng kalusugan, hindi lamang mga naninigarilyo ang apektado masamang usok ng yosi kundi maging mga non-smoker.

Sabi ng DOH, ang mga Non-smokers o mga hindi naninigarilyo ay ang mga tinatawag na second hand smokers kung saan nalalanghap din nila ang usok na may nicotine at iba pang toxic chemicals mula sa sigarilyo.

Batay sa datos ng DOH, mahigit 117,700 katao ang namamatay kada taon sa bansa dahil sa paninigarilyo.

Umaasa ang DOH na maaaprubahan ang expanded sin tax bill bago matapos ang 17th congress para maisabatas na ang dagdag na P60 sa kada pakete ng sigarilyo.

TAGS: doh, Health, naninigarilyo, doh, Health, naninigarilyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.