Martes nang bawian ng buhay si Prospero batay sa Official Facebook page ng Consulate General.
Si Prospero ay binawian ng buhay sa Toronto madaling araw ng martes.
Inilarawan naman ng Consulate General si Prospero bilang isang “career diplomat na inilaan ang kanyang buhay para paglingkuran ang bansa at ang mamamayan”
Ililipad pabalik ng Pilipinas ang mga labi ng opisyal batay sa kanyang mga kahilingan bago siya pumanaw.
Ayon sa tanggapan ng Consulate general ilalabas na lamang nila sa mga susunod na araw ang petsa ng memorial service para kay Prospero.
Nagsilbi si Prospero bilang Executive Director ng Office of the American Affairs ng Department of Foreign Affairs bago siya hirangin bilang Consul General sa Toronto noong May 24, 2015.
Hinawakan din niya ang iba pang diplomatic positions sa Sydney at Paris.