Nangyari ang pagdakip sa dalawa pasado alas dos, madaling araw ng Miyerkules.
Kinilala ang mga suspek na sina Catherine Estrada, tatlumput tatlong taong gulang at Amelia
Villanueva, 37 anyos.
Nakuha sa mga suspek ang dalawampu’t anim na sachet ng shabu, isang coin purse at isang limandaang piso.
Dinala na sa Manila Police District Crime Laboratory Office ang mga nakuhang ebidensya sa mga
suspek para sa pagsusuri.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek sa piskalya ng Maynila.
MOST READ
LATEST STORIES