Water level sa Angat dam patuloy sa pagbaba

Patuloy na nababawasan ang water level ng Angat Dam at iba pang dam sa Luzon sa kabila ng mga pag-ulan.

Base sa monitoring ng PAGASA Hydro-meteorological Division, ang antas ng tubig sa Angat dam ala-6 ng umaga ng Miyerkules (May 29) ay 169.79 mas mababa sa antas nito kahapon na 169.88.

Ang naturang water level ay mas mababa sa 212-meter normal high water level at 180-meter minimum operating level ng Angat dam.

Ang water level ng La Mesa dam ay nabawasan din mula sa 68.69 kahapon kumpara sa 68.68 na naitala ngayong ala-6 ng umaga.

Nabawasan din ang water level sa Binga at San Roque dams.

Nanatili naman ang water level ng Pantabangan dam sa 194.05 at Ipo dam sa 101.01.

Samantala, bahagyang nadagdagan naman ang water level sa Ambuklao, Magat at Caliraya Dams.

Read more...