DOJ Secretary Guevarra walang nararamdamang takot matapos italagang OIC ng bansa
No fears!
Ito ang buong tapang na pahayag ni Justice secretary Menardo Guevarra matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na officer in charge o caretaker ng bansa habang nasa apat na araw na working visit ang punong ehekutibo sa Japan para sa 25th Nikkei International Conference on the Future of Asia.
Ayon kay Guevarra, sa ngayon, waiting siya para sa susunod na explosive thing sa bansa.
Matatandaang unang itinalaga ng pangulo si Guevarra bilang OIC noong May 2017 kung saan nagtungo ng Russia ang punong ehekutibo. Habang wala ang pangulo, lumusob ang teroristang Maute group sa Marawi dahilan para magdeklara ng martial law sa mindanao region.
September 2018 nang italaga muli ni Pangulong Duterte si Guevarra bilang OIC ng bansa. Nagtungo kasi ang pangulo sa Israel at Jordan para sa isang official visit. Sa panahong iyon, ni revoked naman ng pangulo ang amnesty ni Senador Antonio Trillanes IV.
Bilin ng pangulo kay Guevarra, pangasiwaan ang pang araw-araw na operasyon sa sangay ng ehekutibo at siya na ang bahala sa bansa hanggang sa araw ng Sabado.
Tanong ni Guevarra, ano naman kaya ang mangyayari ngayon habang wala ang pangulo.
Dagdag pa ni Guevarra, siya ang napiling OIC ng pangulo dahil kinakailangan na magpahinga muna ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Sa Sabado pa inaasahang uuwi ng bansa si Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.