Panukala ni SGMA na magtatatag ng mga ospital para sa mga OFW aprubado na sa Kamara

By Ricky Brozas May 29, 2019 - 08:33 AM

Inquirer file photo

Aprubado sa tatlong kumite sa kamara ang panukalang batas na inakda ni House speaker Gloria Macapagal-Arroyo na layung magtatag ng mga ospital para sa Overseas Filipino Workers (OFW) at kanilang pamilya.

Inaprubahan ng ways and means committee ang tax provision ng House Bill no.9194, habang nagbigay naman ng pagsang-ayon ang committees on health at appropriations.

Sa ilalim ng panukala ni Arroyo, itatayo ang mga OFW Hospitals para magbigay ng komprehensibong health care services sa lahat ng migrant workers na mga nagbibigay ng kontribusyon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Kapag naitayo na ang naturang mga pasilidad, ito ay pangangasiwaan ng Department of Health (DoH).

Layun din ng panukala na mapagkalooban ng medical examinations para masiguro ang physical at mental capability ng mga overseas contract workers na may kaukulang job order.

Magsisilbi rin itong primary referral hospital para sa mga repatriated OFWs na mangangailangan ng medical assistance and support.

Ipinaliwanag ni Arroyo na ang naturang panukala ay pagbibigay diin lamang sa mga umiiral na batas patungkol sa kalusugan.

Hihilingin naman ni SGMA sa kanyang mga kaalyado sa 18th congress na i-refile ang panukala sakaling maabutan ito ng pag-adjourn ng 17th congress sa ika-walo ng Hunyo.

TAGS: CGMA, doh, hospital, OFWs, OWWA, CGMA, doh, hospital, OFWs, OWWA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.