10 pamilya apektado sa sunog sa isang apartment at bodega sa Maynila

By Rose Cabrales May 29, 2019 - 06:20 AM

Tinupok ng apoy ang isang apartment at bodega sa Barangay 582, Sampaloc, Maynila, madaling-araw ng Miyerkules (May 29).

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog pasado alas-4 ng madaling-araw, agad na naapula ang apoy at umabot lamang sa ikalawang alarma.

Alas-5:30 ng madaling-araw naman nang idineklarang fire out ang sunog.

Nasa 10 pamilya na nakatira sa nasunog 5-door na apartment ang naapektuhan.

Tinataya namang nasa P500,000 ang halaga ng pinsala.

Inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: apartment at bodega, Barangay 582, Sampaloc Manila, sunog, apartment at bodega, Barangay 582, Sampaloc Manila, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.