‘Anti-Obstruction of Power Lines’ Bill aprubado na ng Senado

Inaprubahan na ng Senado ang panukalang batas na magpaparusa sa pagtatayo ng mga istraktura at pagtatanim ng mga puno sa mga linya ng kuryente.

Walang tumutol na Senador sa Anti-Obstruction of Power Lines Bill.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy at pangunahing may akda at sponsor ng Senate Bill No. 2098, makakatulong ito para maiwasan ang power interruption dahil sa mga obstruction.

Dagdag ng Senador, adopted ng bicameral conference committee ang bersyon ng Senado na mayroon lamang 2 substantial changes.

Una ay hindi pwedeng bawalan ang duly authorized agent ng may-ari o operator ng power line na makapasok sa property para tanggalin ang harang sa linya ng kuryente.

Pangalawa, pinagtibay ng bill ang “power of eminent domain” na ibinigay sa distribution utilities at transmission concessionaire sa bawat prangkisa alinsunod sa kaukulang probisyon ng korte.

Nasa ilalim ng panukalang batas na paparusahan ang maglalagay ng obstruction at peligrosong istraktura, magtatanim ng puno, at magsagawa ng delikadong aktibidad sa corridor ng power line na maaaring makaharang sa delivery ng supply ng kuryete o makasira sa power line.

Oras na maratipikahan na ng Senado at Kamara, pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para ito ay maging ganap na batas.

 

Read more...