‘Anti-Obstruction of Power Lines’ Bill aprubado na ng Senado

By Len Montaño May 29, 2019 - 05:23 AM

Inaprubahan na ng Senado ang panukalang batas na magpaparusa sa pagtatayo ng mga istraktura at pagtatanim ng mga puno sa mga linya ng kuryente.

Walang tumutol na Senador sa Anti-Obstruction of Power Lines Bill.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy at pangunahing may akda at sponsor ng Senate Bill No. 2098, makakatulong ito para maiwasan ang power interruption dahil sa mga obstruction.

Dagdag ng Senador, adopted ng bicameral conference committee ang bersyon ng Senado na mayroon lamang 2 substantial changes.

Una ay hindi pwedeng bawalan ang duly authorized agent ng may-ari o operator ng power line na makapasok sa property para tanggalin ang harang sa linya ng kuryente.

Pangalawa, pinagtibay ng bill ang “power of eminent domain” na ibinigay sa distribution utilities at transmission concessionaire sa bawat prangkisa alinsunod sa kaukulang probisyon ng korte.

Nasa ilalim ng panukalang batas na paparusahan ang maglalagay ng obstruction at peligrosong istraktura, magtatanim ng puno, at magsagawa ng delikadong aktibidad sa corridor ng power line na maaaring makaharang sa delivery ng supply ng kuryete o makasira sa power line.

Oras na maratipikahan na ng Senado at Kamara, pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang para ito ay maging ganap na batas.

 

TAGS: Anti-Obstruction of Power Lines Bill, aprubado na, Bicameral Conference Committee, linya ng kuryente, maglalagay ng istraktura, magtatanim ng puno, power of eminent domain, Sherwin Gatchalian, Anti-Obstruction of Power Lines Bill, aprubado na, Bicameral Conference Committee, linya ng kuryente, maglalagay ng istraktura, magtatanim ng puno, power of eminent domain, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.