16 anyos na lalaki patay sa pamamaril sa Tondo

By Len Montaño May 29, 2019 - 04:57 AM

Nasawi ang isang binatilyo matapos itong pagbabarilin sa Tondo, Manila.

Kinilala ang 16 anyos na biktima na si Kevin Lois Monsod na nagtamo ng tama ng bala malapit sa dibdib.

Kuha sa CCTV ng Barangay 72 ang pamamaril sa biktima habang naglalakad ito kasama ang dalawang kaibigan.

Nabatid na sinipa ng biktima ang dumaan na isang motorsiklo.

Sakay ng motorsiklo ang tatlong babae.

Umalis ang rider pero binalikan nito si Monsod at binaril.

Ayon sa isa sa mga kaibigan ng biktima, kaklase ni Monsod ang isa sa mga babaeng angkas kaya binati niya ito pero hindi umano ito nagustuhan ng nagmamaneho ng motorsiklo.

Ayon kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo ng Raxabago Police, posibleng nagkapikunan ang suspek at biktima na nauwi sa pamamaril.

 

 

TAGS: binatilyo, cctv, manila, patay sa pamamaril, pikon, Raxabago Police, Tondo, binatilyo, cctv, manila, patay sa pamamaril, pikon, Raxabago Police, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.