Velasco itinangging sinusuhulan ang mga kongresista para iboto siyang House Speaker

By Rhommel Balasbas May 29, 2019 - 04:17 AM

Pinabulaanan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na sinusuhulan niya ng P1 milyon ang mga kasamahan sa Kamara para makuha ang suporta ng mga ito sa kanyang House Speakership bid.

Ito ay matapos kumpirmahin ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na may “gapangan” ng P1 milyon para sa bawat kongresista kapalit ng suporta sa isang kandidato sa pagka-speaker.

Si Alvarez at Velasco ay dalawa sa kandidato ng PDP-Laban para sa pagka-House Speaker.

Ayon kay Velasco, hindi niya naiisip na ang sinumang nagnanais maging speaker ay papatol sa ganoong uri ng gawain para lamang makuha ang posisyon.

Anya pa, hindi rin mabibili ang bawat kongresista nang basta-basta.

Posible anyang naririnig lamang ang mga ganitong haka-haka dahil panahon na nga ng pagpili para sa bagong speaker.

 

 

 

TAGS: dating House Speaker Pantaleon Alvarez, house speaker, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, nanunuhol, P1 milyon, dating House Speaker Pantaleon Alvarez, house speaker, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, nanunuhol, P1 milyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.