Jeepney driver natagpuang patay sa Pasay

By Rhommel Balasbas May 29, 2019 - 04:06 AM

Natagpuan na lamang na wala nang buhay ang isang jeepney driver sa sarili nitong sasakyan sa Pasay City.

Kinilala ang lalaki na si Danilo Angeles, 66 anyos, residente ng Sampaloc, Maynila.

Ayon sa Pasay Police, isang pasahero na nakilalang si Ronald Nicdao ang sasakay sana sa jeep ni Angeles na sa oras na iyon ay nasa Roxas Boulevard., Service Road cor. Gil Puyat Avenue.

Gayunman, nakita ni Nicdao na nakadapa si Angeles at hindi gumagalaw.

Itinawag sa baranggay ang insidente na agad namang iniulat sa pulis.

Ayon sa mga rumespondeng MMDA rescue, wala na talagang buhay ang jeepney driver ngunit hindi nakitaan ng injury o sugat sa katawan nito.

Patuloy na inaalam kung may foul play sa pagpanaw ni Angeles.

 

TAGS: foul play, jeepney driver, MMDA rescue, Natagpuang patay, Pasay Police, foul play, jeepney driver, MMDA rescue, Natagpuang patay, Pasay Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.