Dati nang nakulong si alyas Janet dahil din sa kaparehong gawain.
Ayon kay Nestor Del Rosario, opisyal ng Brgy. Pasong Tamo, namataan nila ang suspek na dumadayo ng kanilang baranggay mula pa sa Brgy. Tandang Sora para lamang magbenta ng shabu.
Dahil dito, nagkasa agad ng buy-bust operation ang pulisya.
Nakuhaan ang suspek ng 15 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000.
Ibinabalot ni Janet ang ibinebentang shabu sa tissue at papel at itinatago sa lagayan ng headset.
Mariing pinabulaan ng suspek na siya ay drug pusher at sinabing iniutos lamang sa kanya ang delivery ng droga.
Aminado itong gumagamit ng shabu at ang kanyang ginagawang pasusuplay ay may kapalit na droga na kanyang ginagamit.