Japan handang tugunan ang security needs ng Pilipinas

By Rhommel Balasbas May 29, 2019 - 03:25 AM

Nagpahayag ng kahandaan ang Japan na tugunan ang mga pangangailangang panseguridad ng Pilipinas para mapanatiling bukas ang South China Sea bilang daanan ng mga barko at produkto.

Sa isang pulong balitaan sa Tokyo, sinabi ni Ambassador Jose Laurel V na kinikilala ng Japan ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas para sa malayang paggalaw ng mga produkto sa rehiyon.

Ayon kay Laurel, ang unang bansa na mararating ng mga Japanese sa gawing Timog ay ang Pilipinas.

Dahil isang trading country anya ang Japan, kailangan nitong mapanatiling bukas ang shipping lanes.

Magugunitang hinaharap ngayon ng Pilipinas ang isyu sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Iginiit ni Laurel na hindi rin gaanong maganda ang relasyon ng Japan sa ibang bansa tulad ng North Korea sa Hilaga, Russia sa Hilagang-Silangan at China sa Kanluran.

Dahil kaalyado ang Japan ay malaki ang inaasahan nito sa Pilipinas.

Ani Laurel tutulong ang Japan sa pangangailangang panseguridad ng Pilipinas at magbibigay ito ng 10 coast guard ships at iba pang defense assets.

 

TAGS: Ambassador Jose Laurel V, coast guard ships, defense assets, Japan, north korea, Pilipinas, security needs, shipping lanes, South China Sea, Ambassador Jose Laurel V, coast guard ships, defense assets, Japan, north korea, Pilipinas, security needs, shipping lanes, South China Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.