Pacquiao ipapakain kay Thurman ang lahat ng sinabi nito
Naka-focus ngayon si Senator Manny Pacquiao sa training para sa laban sa Amerikanong si Keith Thurman sa July 20.
Sa press tour sa Estados Unidos, sinabi ni Thurman na tatapusin na niya ang boxing career ni Pacquiao.
Sagot naman ng Pambansang Kamao, gusto niyang ipakain kay Thurman ang lahat ng sinasabi nito.
Samantala sa kanyang ensayo ay nakagawa si Pacquiao ng pitong rounds at gumamit ito ng heavy bag, speed ball, jumping rope at nag shadow boxing at core exercises.
Aminado naman ang Team Pacquiao na magiging mahirap ang laban para kay Pacquiao na hawak ngayon ang WBA Regular Welterweight title.
Sinabi ng conditioning coach ni Pacquiao na si Justin Fortune na kailangang magawa ang kanilang game plan para manalo at posibleng maka knockout.
Si Thurman ay may 29 na panalo at 22 knockouts at sampung taon na mas bata kay Pacquiao.
Dito muna sa Manila ang training ni Pacquiao habang may sesyon ang Senado saka ito pupunta sa Los Angeles para ituloy ang kanyang ensayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.