6 na estudyante ng Phil. Science HS, ban sa graduation rites dahil sa photo scandal
Hindi pinayagan ang anim na lalaking senior students ng Philippine Science High School (PSHS) na makasama graduation ceremony kasunod ng umanoy kanilang post ng mga hubad na larawan ng mga babae nilang schoolmates.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Sec. Fortunato dela Peña, makaka-graduate pa rin ang anim na estudyante pero hindi sila makaka-martsa dahil ban sila sa graduation rites.
Ayon kay Dela Peña, tatlo sa mga estudyante ay makakakuha ng diploma habang ang tatlong iba pa ay certificate of completion lamang.
Pero mangyayari anya ito kapag nakumpleto o nagawa na ang mga requirements na bahagi ng parusa sa mga estudyante.
Una nang kasama sa roster of graduates ang anim na estudyante sa kabila ng pagtutol ng student body at alumni association.
Ang anim na Pisay students ay inakusahan na nag-upload ng mga hubad na litrato ng mga menor de edad na mga dati nilang girlfriends na mga estudyante rin sa eskwelahan.
Dalawang taon na ang nakalipas nang inapload ang mga larawan pero kumalat ang mga ito sa unang bahagi ngayong 2019.
Noong Lunes ay nagprotesta ang ilang estudyante ng Pisay at kanilang mga magulang bago ang graduation ceremony ngayong araw ng Miyerkules.
Sa ilalim ng code of conduct ng eskwelahan, hindi eligible sa graduation ang estudyante na sangkot sa voyeurism kabilang ang pagpost ng malaswang larawan at video.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.