FOI Bill approval sa Kamara bago ang eleksyon, maliit na ang tsansa – HS Belmonte

session inq fileInamin ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr na maliit na ang tsansang mapagtibay ng Kamara ang Freedom of Information o FOI Bill.

Ayon kay Belmonte, ayaw niyang maging sinungaling pero sinabi nito ang talagang napakaliit na ng posibilidad na makapasa ang FOI sa nalalabing panahon ng 16th Congress.

Paliwanag ng Speaker, napakasikip na umano ng “plate” ng Mababang Kapulungan, lalo’t nalalapit na ang May 2016 Elections.

Pero, sinabi ni Belmonte na ginagawa pa umano niya ang lahat para makumbinsi ang ilang Kongresista na anti-FOI bill.

Ang FOI bill ay bigo pa ring maisalang sa 2nd reading sa plenaryo ng Kamara, bagama’t matagal nang panahong nakalusot ito sa House Committee on Public Information.

Matatandaan din naging campaign promise pa ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagsasabatas ng FOI bill, subalit sa kabila ng malakas na panawagan ay hindi pa rin ito nakakapasa.

Read more...